Friday, March 20, 2015

Panliligaw: Noon at Ngayon

"At sa awitin kong ito
 Sana'y maibigan mo
 Binubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo"

Korni man sa paningin ng henerasyon ngayon, hindi pa rin natin maipagkakailang kinakiligan ito noon. Mga makalumang panunuyo ang nagpapatibok sa puso ng mga Maria Clarang hindi makabasag pinggan sa kanilang panahon.

Naalala mo pa ba ang kwento ng iyong mga magulang kung paano sila nagkakilala? Kung paano nga ba nanuyo ang iyong tatay sa iyong nanay? Kung paano ba dumaan sa butas ng karayom ang iyong ama para lang makuha ang matamis na oo ng iyong ina? O di kaya'y ang mga lumang panunuyong ito ay sa iyong lola't lolo mo pa narinig? Kung ating babalikan ang henerasyon ng ating mga magulang o ng ating mga lolo ay madali nating makikita ang sinseridad ng mga kalalakihan sa kababaihan na kanilang sinisinta.

Noon, hindi lamang basta-basta na nililigawan ng lalaki ang isang babae. Kailangan niya munang makuha ang pagsang-ayon ng mga magulang ng kanyang ibig ligawan. At kadalasan, ang mga magulang ng isang babae ay hindi agarang nagbibigay ng pahintulot sa kanyang panliligaw. Kailangan mna ng isang babae na sila ay mapahanga. At kung desidido talaga ang isang lalaki, ano pa man ang nais ng mga magulang ng babae at kanyang gagawin – magsibak man ng kahoy o mag-igib ng tubig sa kabilang baryo. Ang mga babae naman noon ay napakahinhin. Hindi nila gaanong ipinapakita ang kanilang emosyon – kung sila ba ay kinikilig o hindi.

Sa paglipas ng panahon, nakita natin ang malaking pagbabago sa paraan ng panliligaw sa Pilipinas. Ano nga ba ang dahilan nito? Dahil ba ito sa impluwensya ng ibang bansa gaya ng teleserye at mga pelikulang ating napapanood? O kaya dahil sa umuunlad na ekonomiya ng Pilipinas? O baka naman dahil moderno na lahat ng nasa paligid natin?

Isa sa may mga malaking ginampanan sa pagbabagong ito ang kabi-kabilang paglabas ng makabagong teknolohiya. Maaari ngang napadali ang komunikasyon natin sa iba ngunit mas napadali rin ang panliligaw ng ibang kalalakihan sa mga kababaihan. Noon, halos umabot sa ilang taon ang panliligaw ng lalaki sa mga babae, ngayon ay halos hindi man lang umabot sa isang buwan. Halos nawala ang tunay na kabuluhan ng panunuyo ng mga kalalakihan sa mga kababaihan. Kung dati sinusuyo pa nila ang kababaihan sa pamamagitan ng pagpunta sa bahay nila, ngayon isang simpleng text o message sa facebook, nakukuha na agad nila ang loob ng mga babae. Ngunit hindi naman natin masasabing lahat ng panliligaw ay nadadaan lamang sa ganitong napakadaling paraan. Mayroon pa rin naming mga lalaking gumagawa ng tradisyunal na panliligaw at ito ay karapat dapat pa rin naming ipagpatuloy.

Noon man o ngayon, hindi pa rin nawawala ang konsepto ng panliligaw. Ito ay dahil sa mahal natin ang isang tao. Malaki nga ang pagkakaiba ng dalawang panahong ito, subalit nagbigay dahilan pa rin ang ito upang magpakilig at magpasaya sa luma o moderno mang paraan. Nasa atin na lamang ang desisyon kung ano ang mas pipiliin natin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

GROUP 6
Domingo, Mark Anthony
Jacobe, Dessa Mae
Perez, Jeff
Posilero, Jinky
Rubiano, Jeremie


Tajan, Patrisha Willyn Mae

SHEDDING A LITTLE LIGHT ON OUR SO-CALLED FAULT

“Society and the family are saved and ruined together.” – Father Joseph Kentenich
This message of Fr. Kentenich is a reality that should really be taken into immense contemplation because, essentially, the society is composed of families that are expected to live in line with the natural laws, human laws and the teachings of the Almighty.
If they are ruined together, definitely, they are also saved together. To save the society is to save the families and to save those families is to save the society. The earnest desire to save the society could only be potential if we pay attention to the deep and fatal illness of the society – the destruction of families. We should give adequate importance to the problems of the Filipino families today as much as the importance we give to the trade and industry, societal and political problems our country is facing.
Human is created in the image and resemblance of God. Hence, human was created to live, like God, in gamily where personal love is outright. It is just then right that love is the only way to cure the devastation of families.
We should recognize that families are the foundation of the society because through our families, we learn to love, to be a kid, to be a sibling, to be a parent and we learn to take care of others not as things, but as persons to be loved and to care about.
If love from the parents of a family is absent or deficient, the child is most likely to be an insecure person who lacks self- belief and who is reclusive which then forbids him or her to fulfil his or her dreams.
If the father is hateful and offensive, the child will probably rebel against any authority or person which reminds him or her of his father, including God. Because of terrible experiences with their own father, many are not able to accept the Gospel of Christ or believe in a God who is a loving and caring Father.
On the other hand, through siblings’ interactions, a child learns to unchain himself from selfishness and from the tendency to dictate or even bully others. A child who grows in a healthy family is very probable to develop healthy emotional attachments, someone who cares so much about his or her fellow.
Family provides the roots that allow the tree of one’s personality to stand firm during the hurricanes of life. All things that a child could see inside the family should be pure and good because these will be regarded by the child as worth emulating and good.
We cannot create a more humane and Christian society in our nation if we neglect the significance of families. Those who have converted the television into the absolute ruler of the home are destroying the society. All those who do not strive for a family united in love are destroying the society. Spouses who do not dialog or dialog very little with each other or with their children are destroying the society. The parents who have made their home into a simple boarding house where eating and sleeping are the only things in common, they are destroying the society.
The holy family of Nazareth is the renowned model for all other families. The Lord, who comes to build a new world, spends the first 30 years of his life in a family striving to live the new Christian ideal of the family. He only preaches and ministers publicly for three years. We should learn the importance of family, of our own family from Christ himself.
Let us give thanks to God for all those persons who provided us with atmosphere of family in our life, for those who helped us grow into free and united personalities, and who motivated us with their love both within and outside of our home.
Call it a clan, call it a network, call it a tribe, callit a family. Whatever you call, whoever you are, you need one.
It is the love of God that saved us. It should also be love that binds everyone inside the family and that same love should bind the families in our society. Before sharing or preaching the good news, we should first live with the ideals and teachings of God.


SocSci 10 Z Group 4
Jaeger Dwayne Tamara, Mike Gyro Paras, Anthony Teofilo Jr., GiannaCapacia, Faye Mendoza, Jerome Gabriel.
Mula sa Fatuous Love. . .
Sabi nila, ang whirlwind romances daw ang pinakamagandang halimbawa ng isang Fatuous na pagmamahal. Isang klase ng pag-ibig kung saan mayroong commitment at passion ngunit walang intimacy. Kung minsan pa nga, ang tawag sa pagmamahal na ganito ay Fantasy Love dahil ang mga taong nakararanas nito ay iyong mga taong sobrang humaling sa isa’t isa sa pisikal na aspeto ng walang kasamang damdamin. Dahil na rin sa ganitong pakahulugan sa fatuous love, maraming naniniwala na ang mga ganitong relasyon ay malabong tumagal.
Mayroon akong kakila na ang pag-iibigan nilang mag-asawa ay nagsimula sa fatuous na pagmamahal.
Disyembre ng taong 1995 una silang nagkakilala. At dahil nga sinabi nating whirlwind ibig sabihin ay may matinding atraksyon agad ang nabuo sa kanila at mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Pebrero ng sumunod na taon (dalawang buwan ang nakalipas) una silang nagpakasal. Oktubre 1996 ipinanganak ang kanilang unang supling.
Sabi pa nang babae, ‘’Hindi ko naman talaga siya mahal noong una, naibibigay niya lang talaga iyong mga pangangailangan ko atsaka makulit siya. Pero nang matagal na kaming nagsasama natutunan ko na rin siyang mahalin.’’ Tatlong buwan pagkatapos ng kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa nagpakasal sila muli sa simbahan.
Sa kasalukuyan ay may apat na silang anak at 19 taon na silang kasal. Magkasama nilang hinarap ang lahat ng hamong dumating sa buhay nila bilang mag-asawa.
Maaaring maikli pang maituturing ang halos dalawang dekada ngunit para sa relasyong nagsimula sa isang whirlwind romance masasabi nating matatag sila at ang kanilang kwento ay taliwas sa inaasahan ng lahat.

Sanggunian:


Group 3. SS10-Z

Nunez, Vanessa Janine R.
Red, Ramces Brayalle T.
Ojos, Kevin H.
Alabin, Glassyl R.
Calip, Kaye Paula Ara M.
Moraleta, Raniella

Thursday, March 19, 2015

HOW SOCIETIES MOLD A CRIMINAL


     A society is an organized community composed of the individual’s environment such as the school, the government, the mass media, and the family of the individual wherein such elements of the society may affect one another’s way of living, perceptions, beliefs, and also one’s behavior on the environment he/she is in. But in all of the society’s elements, the family has the greatest impact on the individual, especially the impact of the parents to the child because according to researches individuals most likely trust their parents rather than their teachers, friends, and the internet, giving us a hint that the roles of parents in the family are crucial (Gibbs, 2001).

        A person is very proficient at learning and maintaining behavior patterns that may have worked in the past wherein such process begins in early childhood. Children develop and learn many behaviors merely by watching their parents and significant others from the kind of environment the adults create, a process called as modeling or observational learning. Therefore, a child’s behavioral pattern is often acquired through the modeling or imitation of other people, real and imagined, in the child’s environment. Hence, research reveals that the conditions most conducive to the learning of aggression are those in which the child has many opportunities to observe aggression, is reinforced for his or her own aggression, or is often the object of aggression (Huesmann, 1988).

        Suppose that a father went home frustrated after a long day during which he accomplished nothing, which leads to his frustration. He then finds numerous bills of water, electricity, internet, cable, and phone bills on his desk and as he opens it, he sees that the bills were exceedingly high. In response, he kicks the chair, throws his things on the floor, and exclaims “Damn it!”, unknown to the father that his child observed the whole scenario and several hours later you will see the child kicking his toys and curses “Damn it!”. Such behavior might flourish if reinforced by the parents by simply drawing attention to it, like saying “Isn’t that cute?” wherein children like him are expected to be neighborhood bullies.

        It was noted that family members, particularly parents, can be very powerful models up until the  early adolescence of the child, we would then expect that aggressive or antisocial parents would have aggressive or antisocial children such that being antisocial are one of the many behaviors observed on criminals for the reason that based on several studies of criminal behavior it was concluded that most of the criminals were antisocial (Crowe, 1974). One of the major findings was that physical punishment by parents was related to aggressiveness in the children (Siegel &Kohn, 1959).

        The mass media such as the television, movies, magazine, newspapers, and the internet may also provide abundant symbolic models wherein some of these, especially the television, offer hundreds of potentially powerful aggressive and violent models in a variety of formats ranging from cartoon films to triple-X-rated cable movies which can lead to an aggressive child or even a criminal in the future.


REFERENCES:
John Macionis, Socialization (Pearson Education South Asia PTE. LTD, 2004)
Curt R. Bartol, Criminal behavior: A Psychosocial Approach (Prentice Hall, 1995)

SocSci10 Z Group 5

Enriquez, Ryan
Flores, Nathaniel Lorenz
Galido, Noel Joseph
Jimenez, Rica
Paican, Maria Luzviminda
Vergara, Bryan

Friday, March 13, 2015

The extended family, too extended?

            Apart from the regular nuclear family patterns practiced by some Filipinos, majority of the society would be observed to be having or practicing the extended family type. This means that distant relatives, “such as grandparents, aunts, uncles, nephews, nieces, and grandchildren, would be living under the same roof or in the same compound” (Basbas 2007). In this situation, families have ready access to certain resources, most of which would be related to financial aid and division of responsibilities where needed, while others would be related to personal needs. Naturally, we take notice of individuals and groups from both the mother’s and father’s side, and acknowledge them equally as family.

            While the Filipinos may have been influenced by the Western culture, we would be considered to have one of the strongest family ties sharing the traditional extended family type. As unique as it may seem to some westerners, this would actually post different benefits within the family which other family types may not experience. With the closeness of relatives, there would then exist a foundation of closeness among family kin. Much like our usual experiences with the rest of society, from investing in friends and different connections, it would become inevitable that we as members of the family would help each other in times of need. Whether it be in the form of physical, financial, or moral aid, help would almost always be given.

            In addition to relatives set by blood or adoption from and by the parents, an additional set of relatives come into the picture as ‘godparents’ (ninong and ninang), usually gained for religious rituals or ceremonies. Influenced by Spanish colonial Catholicism, parents of the newborn would search for friends or acquaintances who would typically lie on the wealth or powerful side of society. They would then act as a surrogate parent of the child, acting as a sponsor during the religious rites of baptism, confirmation, and marriage. Just like other members of the extended family type, the godparents would also assist in times of financial aid, would see to it that their godchild would have a good education, and would even aid them in finding employment in their early stages of adult life. Because of this extended lineage of family, a typical Filipino would most likely consider more or less a hundred individuals as relatives in their family.

However, with the relatively rapid growth of economic need among the Filipinos, families are either moving to the more urban areas of society, such as cities, or even abroad in order to support themselves. Consequently, this extended family type is gradually turning into a nuclear family type, slowly ridding the culture of the extended family type, a practice which existed even before the time of the Spaniards. This process of modernization, however, would be vital in our lives if we were to survive in a changing world. While migration would be helpful for some families, researches have shown that while growing your extended family might be beneficial, it is suggested that they limit family members in order to support what they can only afford.

            In this growing need of meeting economic expectations, however, would future generations still be able to experience the culture of what used to be the main heed and driving force of the Filipino society, the extended family?


References:

Basbas, e. a. (2007). Learning and Living in the 21st Century. Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
Chen, A. B. (n.d.). Family and Kinship. Retrieved from Multicultural Canada: http://www.multiculturalcanada.ca/Encyclopedia/A-Z/f1/5
Family Structure. (n.d.). Retrieved from Living In The Philippines: http://www.livinginthephilippines.com/culture-and-people/philippine-culture/1308-family-structure
The Filipino Family in Modern Society. (n.d.). Retrieved from Living In The Philippines: http://www.livinginthephilippines.com/culture-and-people/philippine-culture/92-the-filipino-family-in-modern-society
---
SocSci10 Z Group 5

Enriquez, Ryan
Flores, Nathaniel Lorenz
Galido, Noel Joseph
Jimenez, Rica
Paican, Maria Luzviminda
Vergara, Bryan 


Inay, Bakit Po?

          Ang buhay ay sagrado. Ito ang madalas nating marinig lalong-lalo na sa mga simbahan at sa mga taong may malaking pagpapahalaga sa buhay. Sa katunayan nga ay may mga pamilya at ina na sa tuwing sila'y nabibiyayaan ng anak ay lubos na nasisiyahan lalong-lalo na kung ito ay ang kauna-unahan nilang magiging anak. Ngunit bakit may mga babae na naatim na magpalaglag ng mga sanggol sa kanilang mga sinapupunan na kung iisipin ay isang paraan ng pagpatay. At ang pagpatay ay isang krimen hindi lamang sa batas ng tao kundi pati na rin sa batas ng Diyos. Hindi man lang ba sila nagdalawang-isip na sa pamamagitan nito ay malalabag nila ang kautusan ng Diyos at sila'y magkakasala sa kanya? Hindi man lang ba sila nakonsensya sa buhay na kanilang ipinagkait sa isang batang wala pang kamuwang-muwang na kung magsasalita sana ay makikiusap na huwag siyang ipalaglag?

Nakakalungkot mang isipin ngunit ito ang katotohanan na nangyayari ngayon sa ating lipunan, na may mga sanggol na pinapalaglag ng kanilang mga ina. At kung makakapagsalita lamang ang mga inilalaglag na sanggol, maaaring ito ang sasabihin nila, “Inay bakit mo ito hinayaang mangyari? Dahil ba magulo ang iyong isipan ng mga oras na iyon. Marahil napuno ka ng galit dahil hindi mo inaasahang ako'y mabuo sa loob ng iyong sinapupunan. Marahil hindi mo kinaya ang sobrang depresyon dahil sa mga sinasabi ng ibang tao sa iyong sitwasyon. O marahil natakot ka na ito'y malaman ng iyong mga magulang dahil ikaw ay nasa murang  edad pa lamang. Bakit inay? Nais kong malaman ang iyong dahilan kung bakit mo ito nagawa. Kung hinayaan mo lang sana akong mabuhay, marahil ay malaki na ako ngayon. Malayang napagmamasdan ang ganda ng kapaligiran. Kung paano sumikat at lumubog ang araw sa silangan at kanluran, malayang napapakinggan ang mga huni ng ibon sa alapaap at malayang nalalasap ang simoy ng hangin. Kung hinayaan mo lang sana ako, marahil ang buhay ko ngayon ay katulad ng mga normal na bata sa mundong ito. Masayang nakapaglalaro kasama ang aking mga kaibigan, nakakapag-aral upang maabot ang aking mga pangarap sa buhay, at malayang nagagawa ang anumang aking nais gawin. Bakit mo ako pinagkaitan ng buhay inay? Nais ko sanang maranasan ang init ng iyong mga bisig habang ako'y iyong kalung-kalong at kinakantahan ng isang awitin.”

Ang batas ng Pilipinas ukol sa aborsyon ay isa sa mga pinakaistrikto sa buong mundo. Ito ay iligal at may kaukulang mga parusa sa kung sino mang mahuhuling gumagawa nito. Gayunpaman, dahil sa maraming hindi inaaasahang pagbubuntis, ang aborsyon ay karaniwang ginagawa sa ating bansa. Base sa isang pag-aaral, tinatayang 560,000 na aborsyon ang nangyari noong 2008 at 610,000 naman noong 2012. Marami rin ang mga namamatay na mga ina na sumusubok ng aborsyon dahil sa mga delikadong paraan na kanilang ginagawa upang malaglag ang bata sa kanilang sinapupunan. Tinatayang 1,000 na mga babaeng Pilipino ang namamatay bawat taon dahil sa mga kumplikasyon na dulot ng aborsyon. Noong 2012, mahigit kumulang 100,000 na mga babae ang naospital dahil sa kumplikasyon ng aborsyon, at meron pang hindi mabilang na mga babaeng Pilipinong nagdurusa sa mga komplikasyon na hindi nabibigyan ng lunas.

Tama na! Tuldukan na ang hindi makataong aborsyon ng ilang mga ina. Ilang buhay pa ba ang dapat makitil upang matauhan ang mga taong ito sa kanilang ginagawa? Ilang makabagbag damdamin na mga sentimyento pa ba ang dapat marinig mula sa mga batang pinapalaglag na tila piping nagsasalita upang ipahayag ang kanilang nararamdaman? Kailangan nating pahalagahan ang bawat buhay dahil ito'y minsan lang sa ating pinagkakaloob ng Diyos at ito'y sagrado.


SOURCE:
Unintended Pregnancy and Unsafe Abortion in the Philippines (2013, July). Retrieved from:                 http://www.guttmacher.org/pubs/FB-UPUAP.html


GROUP 6
Domingo, Mark Anthony
Jacobe, Dessa Mae
Perez, Jeff
Posilero, Jinky
Rubiano, Jeremie
Tajan, Patrisha Willyn Mae

"Kung ano ang Puno, Siya rin ang Bunga"

            “Siyempre ganun ‘yung kinalakihan niya, kaya malamang ganun din siya.”
Iyan ang laging sagot sa akin tuwing itinatanong ko kung bakit ganoon na lamang ang relasyon niya sa ibang tao.

            Lumaki akong may sariling pananaw kung ano nga ba ang pamilya. May nanay, may tatay at may anak. Bata pa lang ako’y dala-dala ko na ang paniniwalang hindi kailanman dapat masira ang isang pamilya. Kahit ano mang problema ang dumating sa buhay ng bawat miyembro ng pamilya ay dapat sama-samang lulutasin ito. Dahil sa pananaw na ito, ganoon na lamang ang pagtataka ko nang malaman kong hindi buo ang pamilya ng isa sa aking mga kakilala. Mas nagulat pa ako nang sinabi niyang, “sabi kasi nila sa akin, kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganito kami ngayon.” Naguluhan ako noong una pero nagkaroon ako ng mabigat na loob, naawa. Tiningnan ko siya ng matagal ngunit walang bakas ng sakit o galit akong nakita sa kanya. Binigkas niya ang mgasalitang iyon na tila walang pakiramdam. Dahil dito, naglakas loob akong itanong kung anong pinagdaraanan niya.

            “Maganda naman ang pagsasama ng nanay at tatay ko noon. Masaya kami na buo kami pero nabago lahat ‘yun nung nagloko ang tatay ko. Nambabae siya, siyempre nalaman ng nanay ko kaya naghiwalay sila…” Tumigil siya ng panandalian, kumuha ng ilang sandal upang ituloy ang kwento. Nagsalita nanaman siya. “Nasaktan ako nun, ‘di ko alam kung ano ang gagawin pero mas naawa ako sa mga kapatid ko. Masyado pa kasi silang bata para sa mga bagay na ganito. Lagi nga akong umiiyak nun, gabi-gabi pero dumating sa point na wala na akong pakiramdam.” Sa mga sandaling iyon, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin dahil ako mismo’y walang karansan sa mga ganoong bagay. Tahimik ako noon at nang maramdaman niyang wala akong ibang sasabihin ay itinuloy niya ang kanyang kwento. “Siyempre ‘yung lolo at lola ko eh naghiwalay din nung bata pa ‘yung tatay ko kaya siguro ganun din nangyari sa pamilya namin. Kung ano ‘yung bigat ng damdamin niya sa sinapit niya eh naidala niya sa pamilya namin kaya ganito kami ngayon. Ako nga mismo, natatakot na baka mangyari din sa sarili kong pamilya ‘yung nangyari sa akin e. marami na rin kasi akong kilala na ganun ‘yung nangyari sa kanila. Ayaw kong maniwala pero parang ganun na ‘yun eh. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.” Tumahimik siya bigla, nakatulala at unti-unti ay tumulo ang luha. Wala akong magawa kundi ang yakapin na lamang siya.

            Alam nating lahat na ang kinalakihan ng isang indibidwal ay may malaking epekto sa kanyang pananaw o paniniwala sa kanyang paglaki. Kung ano ang kanyang nasaksihan sa kanyang paglaki ay maaari niya itong maidala hanggang sa kanyang pagtanda. Alam din natin na ang pamilya ang siyang primaryang yunit ng lipunan at dito tayo unang natututo makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao at iba pa kung kaya’t malakas ang nagiging hatak nito sa pag-uugali at personalidad ng isang indibidwal. Hindi dapat ito gawing rason upang ipantakip sa pagkakamali ng isang tao, kundi dapat ay gamitin ito upang mas maging mabuti at responsableng tao.


Group 2
Anna Mae Alamag
Jeska Nicole Cabiles
Dally Delos Santos
Rensea Mae De Vera
Isabella Herreria
Feby Andrea Laroco
Danna Ruiz