Friday, May 1, 2015

Gender Roles

"Bakit ka umiiyak?" Yan ang sabi ng tatay ko sa akin. "Kalalaki mong tao, umiiyak ka?" dagdag pa niya. Bakit nga ba ganito ang tingin nila saakin?

"Bakit ka nakikipaglaro sa mga lalaking iyon? Kababae mong tao, nakikisama ka sa mga ganon?" sabi rin ni Inay sa kapatid ko. Bakit nga ba ganito ang tingin nila sa amin nung bata pa kami?

Ngayo'y kami'y matanda na't meron pa ring ganitong pananaw ang mga tao sa amin. Sa isang babae, dapat marunong sa gawaing bahay, tulad ng magluto, maglinis, at sa pagtanda, ay ang mag-alaga ng bata. Sa isa namang lalaki, ay dapat marunong magbanat ng buto. Dapat alam niya ang magtrabaho at magtrabaho para sa pamilya. Mali sa mata ng iba ang makita ang isang lalaki na naglalaba, nagluluto, o iba pang mga gawain na dapat lang daw na gawaing pambabae lamang.

Mula't simula pa man may mga nakatoka nang gawain sa bawat miyembro ng pamilya. Nandyan ang pag-aalaga sa mga bata ni nanay, ang pagkakayod para sa pamilya ni tatay, pagtulong ni ate kay nanay sa gawaing bahay, at pagbabantay ng bahay ni kuya.

Ngunit marami nang pagbabago. Sa panahon ngayon, nasusunod pa ba itong mga gender roles na ito? Paano kung si tatay ang nag-aalaga ng mga bata at si nanay ang nagtatrabaho? Nababawasan ba ang halaga ng pamilya sa pagbabagong ito? Hindi, sapagkat sa panahon natin ngayo’y hindi na malaking isyu ang pag-aalaga ni tatay sa kaniyang anak. Sa hirap ng buhay natin ngayo’y kadalasan ay kulang na ang kinikita ni tatay para sa pamilya kaya’t pati si Nanay ay nagtratrabaho na din.

Dahil nga marami na ang mga pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho, nababawasan ng isang myembro ang pamilya. Paano kung nasa ibang bansa si nanay? Maiiwan sa bahay si tatay. Ibig sabihin siya na rin ang magbabantay sa mga anak nila. Sa inaasahan ng lipunan na gawain niya sa tahanan makakaya kaya niya ang pagbabago ng kanyang tungkulin sa pamilya?

Oo. Dahil sa panahon ngayon, hindi na lang "pagtatrabaho para sa pamilya" ang tungkulin ng tatay at hindi na lamang 'pag-aalaga ng mga anak' ang gampanin ng nanay. Maaari namang pagbaliktarin ang mga tungkulin na iyan at may mga tatay pa ngang mas naaalagaan nang maayos ang mga anak kaysa sa nanay.

Tayo tayo lang din naman ang gumagawa ng mga gender roles. Depende na rin sa tao at sa sitwasyon kung anong tungkulin ang nais niyang akuhin at depende na din sa kanya kung makikinig siya sa husga ng mga tao, na makaluma pa din ang pagtingin sa pagtatrabaho.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

GROUP 6
Domingo, Mark Anthony
Jacobe, Dessa Mae I.
Perez, Jeff
Posilero, Jinky
Rubiano, Geremie
Tajan, Patrisha Willyn Mae

2 comments:

  1. nice project... so informative and educational. tama po ang iyong mga sinabi sa itaas.. yan po ang kadalasang nangyayari sa ating kapaligiran.. thank you sa inyong ginawang proyekto at ako po ngayun ay subrang masaya dahil nalilinawan na po ako tungkol sa usaping yaon.

    ReplyDelete
  2. Well-curated... love it! Thanks for this

    ReplyDelete