Tuesday, May 26, 2015

Ang Aking Pamilya

            Pamilya. Sinu-sino nga ba?

Si Ama - Ang ating haligi ng tahanan. Siya ang nagtatanggol sa atin sa anumang bagay na makakasakit sa atin. Siya ang natatanging ama na hindi kailanman matutumbasan ang pagmamahal ng ibang ama. Marahil ay minsan nararamdaman nating malayo ang loob niya sa atin dahil madalas siyang wala sa tahanan. Subalit ang anumang paghihirap na kanyang ginagawa sa labas ng bahay ay kanyang inihahandog ng buo para sa ating na kanyang pamilya.

Si Ina - Ang ilaw ng tahanan. Si nanay ang takbuhan natin sa lahat ng oras. Siya ang nagbibigay ng mga solusyon o payo sa bawat problemang ating pinagdaraanan. Si Ina ang gumagabay sa lahat ng ating mga ginagawa simula pagkabata. Madalas man siyang magalit at sumigaw sa atin, hindi pa rin natin siya kayang palitan sa ating buhay. Siya ay natatangi at nag-iisa lamang. Siya ang may pagmamahal na hindi kayang pantayan ng anumang bagay. Siya lamang ang tanging tao na nakaramdam na tayo ay may buhay dahil sa ating unang pagsipa sa kanyang sinapupunan. Si ina ang tanging nagmamahal sa atin ng buong puso at walang pinipiling dahilan.

Si Kuya at Ate - Madalas man silang magalit sa atin, sila pa rin ang mga taong matatakbuhan natin kung wala si inay at itay. Sila ang mga taong humahawak ng responsibilidad sa atin. Sila ang natatanging katulong ng ating mga magulang sa mga gawaing bahay. Si kuya na taga-igib o taga sibak ng kahoy (mga gawain ni tatay sa bahay) at si ate naman ang katulong ni nanay sa pamamalengke o paglilinis sa bahay.

Si Bunso - Siya ang nagbibigay aliw sa loob ng tahanan. Sa bawat tawa at ngiti niya, lahat ng pagod ay kanyang napapawi. Siya man ang madalas na magkalat o magdumi sa loob ng bahay, hindi pa rin matutumbasan ang saying kanyang binibigay.

Ako bilang isang anak - Resposibilidad kong irespeto at igalang ang aking mga magulang. Alagaan si bunso at pahalagahan ang mga ginagawa ni kuya at ate para sa akin. Responsibilidad ko rin na magaral nang mabuti para sa aking pamilya. Ako na isang anak ang dapat na mag-alaga at gumabay sa aking magulang sa kanilang pagtanda. Ang magiging mata nila sa tuwing nanlalabo ang kanilang paningin at ang kanilang magiging tenga sa tuwing mahina ang kanilang pandinig. Ito ang pamilya ko. Sila ang bumubuo sa isang tahanan na pinagbuklod ng pagmamahal. Ang pamilyang nag-aruga at nagpalaki sa akin. Ang pamilyang humubog sa kung ano ako.


GROUP 6
Domingo, Mark Anthony
Jacobe, Dessa Mae
Perez, Jeff
Posilero, Jinky
Rubiano, Geremie
Tajan, Patricia Willyn Mae

2 comments: