Sila ang mga taong nasanay akong laging nandiyan para sa akin. Mga taong gumabay at patuloy na gumagabay sa akin. Inakala ko noon na sila lamang ang natatanging mga taong puwede kong ituring na pamilya. Ngunit hindi pala.
Dumating
ang sandaling kinailangan kong umalis sa kanilang tabi. Pansamantalang lumayo
upang mapalago pa ang aking sarili. Sakabila noon, hindi kami natigil sa
pagiging isang pamilya kahit malayo ako sa kanila.
Sa
aking pagalis at pagharap sa aking bagong mundo, hindi ko naramdamang mag-isa
lang ako. Nakakilala ako ng mga taong tulad ko ay sinusubok din ang kanilang
mga kakayahan. Sa piling nila ay nagkaroon ako ng Pamilya.
Noon
ko napatunayan na hindi ang dugong nananalaytay sa ating mga ugat ang siyang
batayan ng pagiging pamilya. Hindi rin basehan ang layo o lapit ng inyong
kinalalagyan.
Sa aking bagong tahanan ay nagkaroon ako
ng pangalawang pamilya. Sa kabila ng pagkakaiba ng aming mga pinanggalingan ay
nagawa pa rin naming magkasundo at ituring ang isa’t isa bilang isang tunay na
kapamilya.
Group 3 SocSci10Z
Nunez, Vanessa Janine R.
Red, Ramces Brayalle T.
Ojos, Kevin H.
Alabin, Glassyl R.
Calip, Kaye Paula Ara M.
Moraleta, Raniella
No comments:
Post a Comment