Friday, May 8, 2015

Mga Kasabihan ng Matatanda

"Bawal isukat ang damit pangkasal, baka hindi matuloy ang kasal" Paano nangyari iyon?

"Bawal magwalis tuwing gabi, nawawala ang swerte." Nasa sahig ba ang swerte?

"Malas ang madaanan ng isang pusang itim" Kailan pa nagkaroon ng kasalanan ang pusang may ganoong kulay sa mundo?

Ang mga nasabi ay iilan lang sa mga napakaraming kasabihan ng mga matatanda. Paano nga ba nila nasabi ang mga ganitong mga paniniwala? Saan sila kumuha ng basehan na ito'y totoo? Kung sa panahon nila ay hindi pa ganoon kaunlad ang teknolohiya.

Ilan pa sa mga sikat na pamahiin ay pagsasabi ng tabi-tabi po kapag naglalakad sa hapon upang hindi makaapak ng nuno; malas ang nakangalumbaba sa harap ng pagkainan; mamalasin ng pitong taon kapag nakabasag ng salamin; Kapag may nahulog na na kutsara may bibisitang babae at kung tinidor naman ay lalaki; at iba pa.

Ang mga Pilipino ay naturingan bilang mga mapamahiing tao. Sa bawat pamilya, may kanya-kanya silang mga paniniwala na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan kahit na kung isipin man natin ay nakakatawa at walang katotohanan.

Pero meron din namang mga paniniwala na may mga paliwanag gaya ng malas ang magtayo ng bahay sa gitna ng dalawang daanan. Maaring ang paliwanag nito ay dahil kung may dumaan na sasakyan at nawalan ito ng preno at ito ay nabangga sa bahay, sadyang malas ang aabutin.

May mga bagay na hindi natin mabigyan ng isang kumpleto at detalyadong eksplanasyon, ngunit ito pa rin ay ating tinatanggap at sinusunod. Sabi nga nila walang masama kung hindi natin susundin. Isa na itong bahagi ng ating pagka-Pilipino at naging parte na rin ng ating kultura kaya marapat lamang na ating pahalagahan. Sa kabila ng pagbabago sa ating mundo, lahat ay may nakalaan na paliwanag, lahat ay may siyentipikong eksplanasyon, subalit ang bagay na ito ang tanging sumasalamin sa yaman ng ating kultura.

At isa pang pamahiin, "Huwag maging excited sa mga bagay, baka hindi matuloy." EXCITED NA KAMI SA EXAM NAMIN.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

GROUP 6
Domingo, Mark Anthony
Jacobe, Dessa Mae
Perez, Jeff
Posilero, Jinky
Rubiano, Geremie

Tajan, Patricia Willyn Mae

8 comments: