Friday, March 20, 2015

Mula sa Fatuous Love. . .
Sabi nila, ang whirlwind romances daw ang pinakamagandang halimbawa ng isang Fatuous na pagmamahal. Isang klase ng pag-ibig kung saan mayroong commitment at passion ngunit walang intimacy. Kung minsan pa nga, ang tawag sa pagmamahal na ganito ay Fantasy Love dahil ang mga taong nakararanas nito ay iyong mga taong sobrang humaling sa isa’t isa sa pisikal na aspeto ng walang kasamang damdamin. Dahil na rin sa ganitong pakahulugan sa fatuous love, maraming naniniwala na ang mga ganitong relasyon ay malabong tumagal.
Mayroon akong kakila na ang pag-iibigan nilang mag-asawa ay nagsimula sa fatuous na pagmamahal.
Disyembre ng taong 1995 una silang nagkakilala. At dahil nga sinabi nating whirlwind ibig sabihin ay may matinding atraksyon agad ang nabuo sa kanila at mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Pebrero ng sumunod na taon (dalawang buwan ang nakalipas) una silang nagpakasal. Oktubre 1996 ipinanganak ang kanilang unang supling.
Sabi pa nang babae, ‘’Hindi ko naman talaga siya mahal noong una, naibibigay niya lang talaga iyong mga pangangailangan ko atsaka makulit siya. Pero nang matagal na kaming nagsasama natutunan ko na rin siyang mahalin.’’ Tatlong buwan pagkatapos ng kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa nagpakasal sila muli sa simbahan.
Sa kasalukuyan ay may apat na silang anak at 19 taon na silang kasal. Magkasama nilang hinarap ang lahat ng hamong dumating sa buhay nila bilang mag-asawa.
Maaaring maikli pang maituturing ang halos dalawang dekada ngunit para sa relasyong nagsimula sa isang whirlwind romance masasabi nating matatag sila at ang kanilang kwento ay taliwas sa inaasahan ng lahat.

Sanggunian:


Group 3. SS10-Z

Nunez, Vanessa Janine R.
Red, Ramces Brayalle T.
Ojos, Kevin H.
Alabin, Glassyl R.
Calip, Kaye Paula Ara M.
Moraleta, Raniella

No comments:

Post a Comment