Friday, March 27, 2015

Same Sex Marriage

            Isa sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang same sex marriage. Parami na nang parami ang mga gustong magpakasal kahit parehas ang kanilang kasarian. Ang isyu na ito ay patuloy na pinagdedebatehan hanggang ngayon dahil marami pa rin ang hindi sumasang-ayon dito at hindi pa rin tumatanggap sa mga taong LGBT.

Hindi natin masasabi na ang same sex marriage ay hindi katanggap-tanggap kung wala naman nasasaktan na iba ang mga taong may kaparehong kasarian na gustong magpakasal. Ngunit, marami pa rin ang sumasalungat sa isyung ito, marahil dahil sa impluwensya ng relihiyon at/o mga paniniwala sa kultura ukol sa kadalisayan ng pagpapalagayang-loob (intimacy). Dahil isang Katolikong bansa ang Pilipinas, marami ang nagsasabi na hindi banal at maka-Diyos ang pagpapakasal ng dalawang taong magkapareho ng kasarian sapagkat ang pagpapakasal ay isang sagradong pangyayari sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.

 Marami na ring naglalabasang mga siyentipikong paliwanag kung bakit hindi nararapat na ipatupad ang same sex marriage. Isa na rito ang problema sa kanilang magiging mga anak. Dahil pareho sila ng kasarian, hindi sila makakagawa ng anak kaya marahil na sila ay mag-aampon o di kaya gagamit ng in-vitro fertilization o surrogate mothers. Natural lang sa isang anak na hanapin ang kanyang ama at ina ngunit ano kaya ang iisipin niya kung nakita niyang dalawa ang ama niya o di naman kaya dalawa ang kanyang ina? Maaring siya ay malito, lalo na kung makita niya ang ibang mga pamilya na binubuo ng ama, ina, at mga anak. Magkakaroon siya ng maraming katanungan at ang kanyang isipan ay maguguluhan. Kung dalawang lalaki ang mayroong anak, hahanap-hanapin ng anak ang kanyang ina. Magkakaroon ito ng malaking epekto sa pagpapalaki ng mga anak sapagkat iba ang pag-aaruga ng isang babae sa lalaki. Ang ina ang nagbibigay ng seguridad sa emosyonal na aspeto ng kanyang anak. Ano na lang kaya ang mangyayari sa isang bata kung wala siyang ina? Kung pareho namang babae ang magulang ng isang anak, sigurado ring maghahanap ang bata ng isang ama. Ang mga ama ang nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa kanilang mga anak at kung walang kinikilalang ama ang isang anak, paano lalaki ang bata nang maayos? Ayon sa isang pag-aaral, maraming mga kababaihan na walang kinikilalang mga ama ang nabubuntis sa napakabatang edad. Napatunayan din na may mga pagkukulang sa pagpapalaki ng bata ang mga mag-asawang pareho ang kasarian. Mayroon ding mga pag-aaral kung saan nalaman na maaring magkaroon ng problema sa sekswal na persepsyon ang mga anak na pinalaki ng mga mag-asawang pareho ang kasarian. Ayon sa pag-aaral na ito, ang mga anak na lalaking pinalaki ng parehong tomboy ay hindi masyadong lalaki kung kumilos at ang mga babae namang pinalaki ng mga tomboy ay mas lalaki kung kumilos.

Ayon naman sa mga sang-ayon sa same sex marriage (partikular na ang mga LGBTs), lahat tayo ay tao. Meron tayong iba’t-ibang karapatan. Sila na gustong magpakasal sa kaparehas na kasarian, bakit hindi sila mabigyan ng karapatan na gawin ang gusto nila? Tignan man natin sa iba’t-ibang anggulo, pare-parehas lang tayo. Tao sila, kaya nilang gawin ang gusto nilang gawin at hindi sila nagpapaapekto sa pag-tingin ng mga tao sa kanila. Hindi sila nawawalan ng pag-asa na sa bandang huli, makukuha natin silang tanggapin. Kung titignan natin, umiibig lamang sila, gaya natin. Gusto lamang nilang maging opisyal ang kanilang pagmamahal, kung saan kaya nila itong ipakita at ipagmalaki sa lahat.

Hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagkakaroon ng iba’t-ibang opinyon ukol sa isyung ito. Ang ating lipunan ay unti-unting pa lamang namumulat sa mga iba’t ibang uri ng mga pagsasama maliban sa ating mga alam at nakagawian. Hindi natin alam kung kailan matatanggap nang buo ng mga tao ang ganitong mga relasyon ngunit sa nakikita nating makabagong henerasyon, maari itong maging isang pamantayang sosyal sa ating pamumuhay.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

SOURCE:
Family Research Council. Ten Arguments from Social Science Against Same Sex Marriage. http://www.frc.org/get.cfm?i=if04g01.

GROUP 6:
Domingo, Mark Anthony
Jacobe, Dessa Mae
Perez, Jeff
Posilero, Jinky
Rubiano, Geremie
Tajan, Patrisha Willyn Mae

3 comments:

  1. Para, saaken po hindi naman po masama ang mag asawa na pareho ang kasarian ngunit po mahirap din po na mag asawa ang mag kapareho ang kasarian dahil po sa magiging anak, sa nabasa ko po tama po lahat dahil, hindi natin mapipigilan na mag mahalan sila kung ano gusto nila wag na lang pakielaman...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masama po ang pag aasawa ng kaparehas mo ng kasarian . Ginawa po ng Diyos si adan , at ginawa niya si eba para kay adan. hindi siya gumawa ulit ng isang adan para kay adan. Ang punto ko ay ang babae ay para sa lalaki lamang at ang lalaki ay para sa babae lamang. Hindi ako galit sa LGBT community but it's against God. Yes you're right, we don't have the right to judge them if they truly love each other and they are happy together. But the best we can do is to pray for them , and God will do the rest.

      Delete
    2. You need God look at your own animal behavior bitch.

      Delete