May mga
batang ipinanganak at lumaki na hindi
legal sa mata ng iba ang kanilang ugnayan sa kanilang ama o ina dahil sa nabuo
sila sa kasalanan ng kanilang mga magulang. Sila ay tinatawag ng karamihan na“isang
anak sa labas”. Mainit ang tingin ng iba sa kanila at parang napakalaki ng
kanilang kasalanan gayong ang mga magulang naman ng mga ito ang nagkasala. Narito
ang isang kwento ng aking kaibigan (pangalanan nalang natin siyang Jane),
kwento ng kanyang buhay, na nabuo sa pagkakamali ng kaniyang mga magulang.
Si
Jane ay isang anak ng kanyang ama, sa ibang babae (ito ayang kanyang ina).
Noong bata pa lamang siya lagi siyang inaapi ng kanyang mga kalaro dahil may
ibang pamilya ang kaniyang ama, lagi nilang sinasai sa kanya na isa siyang anak sa labas, at salot sa lipunan.
Hindi na lamang ito pinapansin ni Jane dahil wala naman siyang ginagawang
kasalanan. Malinis ang kanyang konsensya kung kaya’t hindi na lamang niya
pinapayulan ang mga batang nang-aapisa kanya. Ngunit sa kabilang banda, masakit
pa rin ito sa kanyang kalooban at hindi niya matanggap sa kanyang sarili na
gayon ang takbo ng kanyang buhay. Ni minsan ay hindi niya nakapiling ang
kanyang ama, ang kanyang ina ang nag-aruga sa kanya simula noon pagkabata.
Ngunit kahit wala sa piling nila ang kanyang ama ay maayos naman ang kanilang
pamumuhay, nakakakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw, pero hindi rin
niya maipagkakaila na sabik siya sa kalinga ng kaniyang ama.
Nagpursigido
si Jane sa pag-aaral upang kahit ganoon ay mayroon siyang maipagmamalaki kahit
papaano.Lagi siyang top1 sa klase at grumadweyt siya ng elementarya at
sekundarya na hawak ang titulong Valedictorian.
Marami ang namamangha sa kanyang angking katalinuhan. Kung kaya’t siya ay
natutuwa roon.
Isang
araw, naisipan niyang hanapin ang kanyang mga ama at kapatid sa ama sa mga
website gaya ng facebook at twitter, alam naman niya kahit papaano
ang pangalan ng kanyang ama at kanyang mga kapatid dahil lagi itong nababanggit
ng kanyang ina sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nahanap niya ang
kanyang kuya (panganay sa kanilang magkakapatid; kapatid sa ama) sa pamamagitan
ng facebook. Kanya itong sinabi sa
kanyang kuya lahat, na siya ay kanya ring kapatid, at alam rin pala ng kanyang
kuya ang lahat ng tungkol sa kanya. Matagal rin pala siyang hinanap ito,at
laking pasalamat raw ng kuya niya at nagkatagpo silang dalawa. Tinanggap siya
ng kanyang kuya ng walang pag-aalinlangan.
Nagkaroon
na ng kontak sa isa’t isa si Jane at kanyang ama, bakasyon noon nang magkita
sila ng kanyang ama, at yinayaya siya nito na magbakasyon sa kanilang bahay. Noong
nasa puder na siya ng kanyang ama, lahat ng kilos niya ay limitado. Kailangan
niyang magpakita ng mabubuting pag-uugali dahil ayaw niyang iba ang isipin sa
kanya ng pamilya niya, pamilyang hindi niya kinagisnan,pamilya sa panig ng
kanyang ama.
Ngunit
kahit tanggap na siya ng kanyang mga kapatid, ang asawa ng kanyang ama ay hindi
pa rin siya matanggap. Hindi maganda ang trato ng kanyang tita (asawa ng
kanyang ama) at dumating sa punto na lahat ng gamit ni Jane ay sinunog nito
kahit wala naman siyang ginagawang masama. At dahil hindi naman niya ito
masisisi, hindi na lamang siya nagtanim ng galit dito at pinatawag niya kaagad
ang kanyang tita.
Ilang
buwan rin ang lumipas, hanggang sa napalapit na siya sa kanyang tita, nag
umpisa ito noong pinagtanggol niya ang kanyang tita sa mga mapang aping
kapitbahay, na sinasabing ang kanyang tita raw ay isang mangkukulam, gayong
hindi naman.
Naging
maayos na ang trato sa kanya ng kanyang tita at naging masaya na silang lahat.
Napatawad na rin ng kanyang tita ang kanyang ina. At ngayon ay gagradweyt na si
Jane ng kolehiyo. At masaya na siya sa buhay niya ngayon.
Ito ay isang
kwentong nagbigay ng isang inspirasyon sa akin, hindi ko akalain na kaya siyang
patawarin ng kanyang tiya. Kahit ganoon siya, kahit ang tawag sa kanya ng iba
ay isang anak sa labas, pinakita niyang kaya itong mabago. Ginawa niya lahat
upang mapatawad siya ng kusa ng kanyang tiya, pati na rin ang kanyang ina.
Group 3 SocSci10Z
Nunez, Vanessa Janine R.
Red, Ramces Brayalle T.
Ojos, Kevin H.
Ojos, Kevin H.
Alabin, Glassyl R.
Calip, Kaye Paula Ara M.Moraleta, Raniella
No comments:
Post a Comment