Friday, April 17, 2015

Dati Rati


Sa bawat paglipas ng panahon iba't ibang henerasyon ang nagdaraan. Sa mga henerasyong ito hinubog ang magkakaibang karanasan.

Mga kabataang isinilang ng dekada ’90:

Naranasan mo na bang tanungin ang sarili mo kung bakit tayo napapalo ni nanay o tatay? Minsan natatanong na lang natin kung mahal ba talaga nila tayo sa ganoong paraan ng pagdidisiplina.

Naranasan mo na rin bang makurot sa singit ni lolo o ni lola dahil sa pagtatampisasw natin sa tubig ulan?

Nasubukan mo na rin bang makapagtamblingsa binti ng tatay mo? Naranasan mo na rin bang ma-taya sa larong "Langit,Lupa"? O di kaya'y nabigyan ng karangalan ng mga kaibigan na nakalaro mo sa tagutaguan bilang "Best In Hiding"?

Naranasan mo na rin bang madapa sa kalye dahil sa walang sawang pakikipaglaro mo sa iyong kalaro ng habulan, langit lupa, patintero, tukbang preso , taguan at iba pa?

Nasubukan mo na rin bang takasan ang iyong magulang makapaglaro lamang kahit na tanghaling tapat dahil sa walang sawa nilang pagpapaalala na "MATULOG KA TUWING TANGHALI PARA LUMAKI KA!"

O di kaya'y mabatukan ni kuya dahil sa pandaraya o pagpapaiyak mo sa iyong kalaro?

Naparinggan mo ba ang CD's ng iyong nanay na naglalaman ng kantang "Ang Pusa, nag-aabang, nag-aabang, hinabol ng pusa ang pobreng daga, sa takot nito'y lumusok sa lungga..."

At na-lss ka ba sa kantang " May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat mga bibe, ngunit ang may pakpak sa likod na iisa, siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak, kwak..."

   Napalo man, nakurot sa singit, nabatukan, nangitim sa kakalaro nang tanghaling tapat at napakinggan ang korning ang pusa at bibe, hindi pa rin natin maipagkakailang maswerte tayo dahil pinagdaan natin ito. Sa panahong ngayon mahirap na ngang ibalik ang dati dahil isang modernong henerasyon na ang ating kinakaharap. Subalit hindi natin maipagkakailang napapangiti o napapatawa tayo sa tuwing babalikan natin ang mga karanasang ito.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Group 6
Domingo, Mark Anthony
Jacobe, Dessa Mae
Perez, Jeff
Posilero, Jinky
Rubiano, Geremie
Tajan, Patrisha Willyn Mae



No comments:

Post a Comment