"Yes!
Isang taon na lang makakagraduate na tayo sa high school," iyan ang bukang
bibig ko pagkatapos ng ikatlong antas sa hayskul. Isang taon na lamang ang
aking gugugulin para sa bagong yugto ng aking buhay. Hindi lamang siya isang
taon ng pag-aaral kundi sinamahan pa ng matinding meditasyon para sa pipiliing
kong kurso at magdamag na isipin kung saang paaralan ako dapat pumasok. UP yan
ang eskwelahan na napili ko. Hindi man ako siguradong makakapasa sa UPCAT,
andyan pa rin ang aking mga magulang na sumusuporta. "Anak galingan mo sa
exam, kayang kaya mo yan!" Yan ang habilin nina nanay bago ako sumabak sa
giyera. UPCAT results noon, naalala ko pa bago ito magpasko. Hiniling ko pa kay
Lord na sana kahit iyon na lamang ang kanyang pamasko sa akin. Pikit, dasal at
magkadaupang palad ako sa harap ng computer kasama ang aking mga kapatid. Sa
isang click at ilang segundong pag scroll ng mouse ay biglang na lamang sigawan
ang aking naririnig. Si nanay, si tatay, si ate at si kuya ay tuwang tuwa.
Kitang kita sa mga mata nila ang salitang "proud." August 12-
"yes, isa na akong ganap na upian" ito ang mga katagang aking
nabanggit. Sa kabila ng desisyong ito ang pagkawalay ko sa aking pamilya.
Yung
araw na hinatid ako nila mama, hindi ko alam ang aking gagawin at mararamdaman
parang may kulang. Gawa na din na ito ang unang pagkakataon na mahihiwalay ako
sa kanila sa ganitong sitwasyon. Masaya kasi masasabi kong malaya akong gawin
ang lahat ng gusto ko pero hindi rin pala. Sa umpisa lang masaya, naranasan
kong kumain mag-isa, ipagluto ang sarili, mag-grocery mag-isa at gamitin ang
sarili kong pera. Matapos ang unang lingo ko noon, hindi ko alam kung anong
gagawin ko pero bandang huli umuwi din ako kahit na hindi ko alam kung paano
umuwi sa amin noon. Umabot sa 12 oras ang byahe na dapat ay 6 oras lamang. Nasa
isip-isip ko noon makakauwi pa ba ako? Pero mabuti’t nakarating ako sa bahay
nang matiwasay. Ang masarap sa pag-uwi ay ikaw ay sobrang inaalagaan ng iyong magulang.
Tatanungin ka ng “Ano ang gusto mong ulam?” o “Ano ang gusto mong gawin?”
Masarap, sobrang sarap at saya na ganito at sobra kang inaaruga ng iyong mga
magulang maging ang aking mga kapatid. Pero akin ngang nabanggit na lahat ng
bagay ay may katapusan.
At
dahil karamihan sa atin ay gustong magkaroon ng inaasam na kalayaan mula sa
apat na sulok ng bahay at gawin ang ninanais ay nagawa ko ring magsinungaling
sa magulang sa oras ng pag-uwi, sa ginagawa sa unibersidad, at sa mga taong
kinakasama. Nariyan din ang pagka-depress sapagkat di ko kayang sabihin sa
aking magulang na ako'y mababa sa mga pagsusulit, kaya't pinipilit ko na lang
na magkunwaring iniigihan ang gawaing pangkolehiyo. Ngayo'y pilit ko nang
binabago ang aking sarili. Sana'y di ko na lang tinuloy ang masasamang gawain.
Kung hindi lang ako nawalay sa aking pamilya, mabait pa sana ako. Pero para sa
atin, nasa tao lang din naman kung tayo'y magbabago.
Walang
dudang mahirap malayo sa pamilya lalo na kung ito ang unang pagkakataon na ikaw
ay mawawalay ng matagal. Samu't saring emosyon ang iyong mararamdaman. Nariyan
ang saya sapagkat ikaw ay malaya. Malayang magagawa ang mga gusto mong gawin at
naisin na walang nakabantay na magulang. Ngunit sa kabilang banda ay malungkot
din dahil, wala pa ring hihigit sa pakiramdam na kapiling mo sa iyong tabi ang
iyong mga magulang at kapatid.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
GROUP
6
Domingo, Mark Anthony
Jacobe, Dessa Mae I.
Perez, Jeff
Posilero, Jinky
Rubiano, Geremie
Tajan, Patrisha Willyn Mae