Friday, February 27, 2015

Isulong ang mabuting pagbabago, pagbabagong pangmatagalan.


            Sa panahon ngayon maraming pagbabago. Pagbabago na minsan ginugusto natin, minsan di natin matanggap. Pagbabago na minsan nakabubuti sa atin at minsan naman ay hindi. Hindi natin masasabi ang maidudulot ng ilang pagbabago na sa ati’y nangyayari. Alam ko na noong mga unang panahon, napaniwala tayo sa ideolohiya ng “forever” sa pag-ibig, ngunit sa henerasyon ngayon, nagiging isang malaking pag-uusap na ito.
            Uso sa mga kabataan ngayon na laging sinasabi na “walang forever, maghihiwalay din kayo”. Alam kong dahilan nito na ang pakikipagrelasyon ay nagiging libangan na lamang ng iba, at kapag nagsawa na ay maghihiwalay na. Samakatuwid, madali na lang sa ibang kabataan na tapusin ang relasyon na kanilang pinaghandaan at napagkasunduan. Kung magpapatuloy ang ganitong pamamaraan, lagi na lang bang sawi o malungkot ang magiging resulta ng pagmamahalan ngayon?
            Maisasatulad ito sa ibang mga mag-asawa na kahit sumumpa na ng pang-habang buhay na pagsasama ay naghihiwalay pa rin sila. Dulot ba ito ng hindi pagiging kuntento sa isa’t-isa? O dahil may gusto silang nakikita sa iba na matagal na niyang hinahanap sa asawa niya.
Tuwing magkukwento ang mga nakakatatanda  tungkol sa buhay pag-ibig nila ay tunay na nagbibigay ito ng inspirasyon sa bawat isa. Kadalasan ay naiisip natin na madalang na ulit mangyari ang mga ganito. Uso na ang mga pamilyang mag-isa na lang tinataguyod ng ama o ina nila na taliwas sa kaisipan noon.

Maraming mga bagay na nakakaapekto sa relasyon ng mga magkasintahan pero naniniwala ako na pagmamahalan ang siyang magbubuklod sa mga tao upang magtungo sa kaisipan ng “forever”. Matuto tayong makuntento sa kung anong meron sa atin o sa kanya at sana matanggap natin na walang perpekto sa mundong ito. Kung patuloy tayong magpapaalipin sa mga kagustuhan natin na humanap ng mga bagay na alam mo na wala sa kanya, walang patutunguhan ang lahat. Kapag nangako na kayo para sa isa’t-isa ay panatilihin niyo na lamang na nag-iinit ang inyong pagmamahalan at piliting paghusayan ang mga bagay na gusto niyo sa isa’t-isa upang ating maibalik, kahit sa mundong ito lamang, ang pagmamahalan na nagtatagal ng “forever”.

--
SocSci10Z Group 4.

Jaeger Dwayne Tamara, Mike Gyro Paras, Anthony Teofilo Jr., Gianna Capacia, Faye Mendoza, Jerome Gabriel.

No comments:

Post a Comment