Sa
panahon ngayon maraming pagbabago. Pagbabago na minsan ginugusto natin, minsan
di natin matanggap. Pagbabago na minsan nakabubuti sa atin at minsan naman ay
hindi. Hindi natin masasabi ang maidudulot ng ilang pagbabago na sa ati’y
nangyayari. Alam ko na noong mga unang panahon, napaniwala tayo sa ideolohiya
ng “forever” sa pag-ibig, ngunit sa
henerasyon ngayon, nagiging isang malaking pag-uusap na ito.
Uso sa mga kabataan ngayon na laging
sinasabi na “walang forever, maghihiwalay din kayo”. Alam kong dahilan nito na
ang pakikipagrelasyon ay nagiging libangan na lamang ng iba, at kapag nagsawa
na ay maghihiwalay na. Samakatuwid, madali na lang sa ibang kabataan na tapusin
ang relasyon na kanilang pinaghandaan at napagkasunduan. Kung magpapatuloy ang
ganitong pamamaraan, lagi na lang bang sawi o malungkot ang magiging resulta ng
pagmamahalan ngayon?
Maisasatulad ito sa ibang mga
mag-asawa na kahit sumumpa na ng pang-habang buhay na pagsasama ay naghihiwalay
pa rin sila. Dulot ba ito ng hindi pagiging kuntento sa isa’t-isa? O dahil may
gusto silang nakikita sa iba na matagal na niyang hinahanap sa asawa niya.
Tuwing magkukwento ang mga nakakatatanda tungkol sa buhay pag-ibig nila ay tunay na
nagbibigay ito ng inspirasyon sa bawat isa. Kadalasan ay naiisip natin na
madalang na ulit mangyari ang mga ganito. Uso na ang mga pamilyang mag-isa na lang
tinataguyod ng ama o ina nila na taliwas sa kaisipan noon.
Maraming mga bagay na nakakaapekto sa relasyon ng mga
magkasintahan pero naniniwala ako na pagmamahalan ang siyang magbubuklod sa mga
tao upang magtungo sa kaisipan ng “forever”.
Matuto tayong makuntento sa kung anong meron sa atin o sa kanya at sana
matanggap natin na walang perpekto sa mundong ito. Kung patuloy tayong
magpapaalipin sa mga kagustuhan natin na humanap ng mga bagay na alam mo na
wala sa kanya, walang patutunguhan ang lahat. Kapag nangako na kayo para sa isa’t-isa
ay panatilihin niyo na lamang na nag-iinit ang inyong pagmamahalan at piliting
paghusayan ang mga bagay na gusto niyo sa isa’t-isa upang ating maibalik, kahit sa
mundong ito lamang, ang pagmamahalan na nagtatagal ng “forever”.
--
SocSci10Z Group 4.
Jaeger Dwayne Tamara, Mike Gyro Paras, Anthony Teofilo Jr., Gianna Capacia, Faye Mendoza, Jerome Gabriel.
SocSci10Z Group 4.
Jaeger Dwayne Tamara, Mike Gyro Paras, Anthony Teofilo Jr., Gianna Capacia, Faye Mendoza, Jerome Gabriel.